Kahalagahan ng Teknikal Bokasyunal

         Bago natin alamin ang kahalagahan ng teknikal bokasyunal, alamin muna natin ang kahulagan nito. Ang kahulugan ng teknikal ay base sa track o kurso na ating pinili haimbawa ang aking napiling kurso o track ay TVL-ICT (Technical Vocational Livelihood- Information Communication Technology) bilang isang ICT na estudyante marapat lamang na ako'y maging mabusisi sa lahat ng gawain na aking gagawin lalo na sa larangan ng ICT dahil maaaring magkaruon ng aberya ang aking ginawa kung hindi mabusisi ang paggawa ko rito. And sunod naman ay ang kahulugan ng sulatin, ang mga halimbawa nito ay ang mga flyers, bochure, leaflets, at iba pa. Ang pangatlo ay ang bokasyunal, tumutukoy naman ito sa short-term course. 
         
          Ngayo'y alam na natin and kahulugan ng mga ito dumako naman tayo sa kahalagan ng teknikal bokasyunal. Ang kahalagan ng pag-aaral natin nito ay ito'y makakatulong sa ating kinabukasan. Halimbawa kapag tayo'y tumungtong na sa kolehiyo at ipinagpatuloy ang kurso ng ICT at tayo'y pinagawa ng mga flyers at iba pa mapapadali na lang ang ating gawain dahil tayo'y may kaalaman na sa nilalaman ng mga ito. Kung hindi man tayo makatungtong sa kolehiyo dahil sa kakulangan natin sa pera, maaari tayong magtrabaho dahil may kaalaman tayo sa mga computer at gumawa ng mga brochure at iba pa, maari tayong makapag ipon para makapag aral muli. Kung tayo'y nakatapos na asa kolehiyo at ayaw naman nating mag trabaho aari tayong makapag patayo ng negosyo kung may kaya naman at maari nating gawing negosyo ang mga ating natutunan sa spesipikong kurso o track na kinuha natin.

Comments